US Defense Secretary Jim Mattis, nakipagkita kay Indonesian President Joko Widodo
Nakipagkita si United States Secretary of Defense Jim Mattis kay Indonesian President Joko Widodo.
Kinausap ni Mattis si Widodo dahil nais ng Amerika na tulungan ang Indonesia para mapanatili ang Maritime Domain awareness at mabawasan ang karahasan sa South China Sea at Natuna Sea na sakop ng nasabing bansa.
Si Mattis ay nagsimulang bumiyahe sa Asya mula pa noong Linggo at umaasa ito at ang Amerika na patuloy na lalakas ang Defense cooperation nito sa Indonesia maging sa Vietnam.
Ayonk ay Mattis, bagaman hindi niratipikahan ng US ang maritime fulcrum ng Indonesia, nananatili pa rin aniyang sinusunod nito ang prinsipyo at nilalayon ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Samantala, nakatakda ding kausapin ni US Defense Secretary Mattis ang mga counterparts nito sa Vietnam para talakayin naman ang Freedom of movement sa South China Sea kung saan ay may mga artificial islands nang itinayo ang China sa West Philippine Sea.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===