US election security official, pinatalsik ni Trump matapos tumangging nagkaroon ng dayaan sa katatapos na halalan
WASHINGTON, United States (AFP) — Pinatalsik ni President Donald Trump, ang top election security official ng US, na tumanggi sa paratang ng pangulo tungkol sa malawakang dayaan sa nakaraang halalan na pinagwagian ng kaniyang katunggaling si Joe Biden.
Sa kaniyang Twitter post ay sinabi ni Trump na “effective immediately” ang termination ni Chris Krebs bilang director ng Cybersecurity and Infrastructure Security Agency (CISA), ang ahensyang nagdeklara na ang November 3 election ang pinaka “secure” sa kasaysayan ng America.
Si Trump, na tumangging tanggapin ang kaniyang pagkatalo sa Democrat na si Biden, ay paulit-ulit nang nag-aangkin nang walang ebidensya, na ang botohan at ang bilangan ay puno ng pandaraya.
Si Krebs ang nangasiwa sa pagpigil sa posibleng pagpasok ng mga dayuhan at domestic hacker sa voting machines, sorting at counting machines, databases at iba pang systems, na ginagamit ng mga estado at lokalidad para sa pagta-tally ng mga balota.
Sinabi ni Adam Schiff, Democratic chairman ng House Intelligence Committee, na masipag na nagtrabaho si Krebs at ang kaniyang team para bantayan ang eleksyon.
Mas lalo pang naging mahigpit ang hamon ngayong taon dahil sa COVID-19, na sanhi para mapilitan ang nakararami na gawing by mail ang pagboto.
Sa ilalim ni Krebs, ilang ulit ding nagbabala ang CISA na nagtangka ang Russians at Iranians na pasukin ang US systems, gaya ng ginawa nito noong 2016.
Napaulat na particular na hindi ikinatuwa ng White House ang tungkol sa isang CISA webpage na ginawa para laban ang disinformation na tinatawag na “Rumor vs Reality.”
Tinutulan ng naturang webpage ang mga pag-aangkin ni Trump at ng iba pa, na may mga bumoto gamit ang pangalan ang mga patay nang tao, na hindi normal na magbilang ng boto ilang araw pagkatapos ng araw ng halalan, at ang shifting vote ay indikasyon ng dayaan.
Sa pamamagitan ng maraming mga pagsusuri, pagsisiyasat at demanda, walang ebidensyang lumitaw ng anomang pagbaluktot o pagkawala ng mga boto, aksidente man o dahil sa pandaraya.
Sa isang report nitong nakalipas na linggo, sinabi ng isang opisyal na grupo ng senior US federal at state election officials, na walang ebidensya na alinmang voting system ang na-delete o may nawalang boto, napalitang boto o nakompromiso sa anomang paraan.
Nito lamang Lunes, dinismis din ng isang grupo ng 59 na top election security experts ang mga pag-aangkin ng “significant malfunction o fraud,” bagkus ay sinabing ang naturang mga pag-aangkin ay hindi napatunayan o teknikal na hindi magkaka-ugnay.
© Agence France-Presse