US embassy binulabog ng mga militanteng grupo
Nilusob ng mga militanteng grupo na miyembro ng Kadamay at ilan pang urban poor organizations ang US embassy sa Maynila.
Panawagan ng grupo ang pagpapaalis ng US military troops sa bansa dahil sa 31 taon na ang nakalipas mula mangyari ang People Power ay tila wala pa ring nangyayaring pagbabago.
Kaugnay nito, bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil nagkagirian sa kalagitnaan ng kilos-protesta matapos paalisin ng miyembro ng pulis ang mga militanteng grupo sa tulong ng fire truck mula sa Bureau of Fire Protection.
Dalawa ang sugatan sa hanay ng pulis habang dalawa rin sa panig naman ng militanteng grupo.
Makalipas ng isang oras ay natapos ang kilos protesta ng grupo at nanumbalik na rin sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar.
Ulat ni Earlo Bringas