Bunsod ng pagtaas ng kaso ng Covid-19, US Embassy kinansela ang Non-Immigrant Visa Interviews
Inanunsiyo ng US Embassy sa Pilipinas ang kanselasyon ng Visa Interviews para sa Non-Immigrant o business at tourist na naka-iskedyul hanggang sa Setyembre 30.
Ayon sa US Embassy, ito ay dahil sa nagpapatuloy na “worldwide challenges” kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Maaari lamang mag-reschedule ng nakanselang visa interviews sa oras na mag-resume ang routine visa services sa pamamagitan ng pagtawag sa Embassy call center o kaya ay sa online appointment system.
Hinikayat ang publiko na patuloy na i-monitor ang website ng US Embassy ukol sa resumption ng visa services.
Sinabi rin ng US Embassy na walang bayad ang pagpapapalit ng appointment at ang validity ng visa free payment ay pinalawig hanggang sa September 30, 2022.
Moira Encina