US Embassy nagkaloob ng drug detection at analysis equipment sa PCG K9 Force

Mahigit Php3.5 milyong halaga ng drug detection at analysis equipment ang ibinigay ng Office of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) ng US Embassy sa Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force.

Sa seremonya sa PCG K9 Force headquarters sa Taguig City, tinanggap ni K9 Force Commander Commodore Nelson Torre ang dalawang handheld drug analyzers at 15 telescopic camera detection units.

Courtesy: US Embassy

Ipamamahagi ito ng PCG sa iba’t ibang field units sa bansa.
 
Ang mga nasabing drug detection equipment ang ikalawang donasyon ng INL sa K9 Force.

Nagpasalamat si Rear Adm. Ronnie Gil Gavan, commander PCG Maritime Security and Law Enforcement Command sa patuloy na assistance ng Amerika.

Ipinunto rin ng opisyal ang critical role ng K9 Force para makamit ang misyon ng PCG.

Nakikipagtulungan ang INL at mga US partner agencies nito sa PCG para mabatid ang mga karagdagang oportunidad upang masuportahan ang K9 Force development. 
 
Moira Encina

Please follow and like us: