US Embassy sa Maynila, naglabas ng alerto sa Measles outbreak sa Pilipinas
Naglabas ang US Embassy sa Maynila ng Health Alert kaugnay sa Measles outbreak sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Sa abiso ng Embahada, pinatitiyak sa mga US Citizen na narito at papunta sa Pilipinas na tiyakin na may bakuna sila kontra tigdas, na MMR Vaccine.
Pinaiiwas din sila sa mga taong may sakit at pinabibisita sa webpage ng Center for Disease Control (CDC) para basahin ang artikulong measles in the Philippines.
Ayon pa sa abiso , dapat ding alam ang mga paraan para maiwasan ang tigdas at kung ano ang maaring gawin kapag taglay na ang naturang sakit.
Ang health alert ay nag-ugat sa pahayag ng mga opisyal ng Department of Health.
Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa ilang lungsod at bayan sa Negros Oriental; isang barangay sa Taguig; Zamboanga city at Davao city.
=============