US expert committee, inirekomendang aprubahan ang Pfizer Covid vaccine
WASHINGTON, United States (AFP) – Isang expert committee na ipinatawag ng US Food and Drug Administration (FDA) ang pumabor para irekomenda ang Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine para sa emergency use approval.
Sa final voting tally ay 17 ang pabor, apat ang tumutol at isa ang nag-abstain.
Ang komite ay inatasang sagutin ang tanong na “based on the totality of scientific evidence available, do the benefits of the Pfizer-BioNTech Covid-19 vaccine outweigh its risk for use in individuals 16 years of age and older?”
The vote by the independent experts and researchers, including infectious disease specialists, biostatisticians and other scientists, isn’t binding but the FDA is expected to follow the recommendation within the coming days.
Ang boto ng independent experts at researchers, kabilang ang infectious disease specialists, biostatisticians at iba pang scientists, ay hindi sapilitan ngunit inaasahang susundin ng FDA ang rekomendasyon sa mga susunod na araw.
Una nang inaprubahan ng Britain, Canada, Bahrain at Saudi Arabia ang nabanggit na bakuna, ang kauna-unahan sa buong mundo na nakakumpleto ng isang malawakang phase 3 clinical trial.
Ang Russian at Chinese vaccines ay malawakan na ring ibinabakuna, ngunit hindi ito nakakumpleto ng katulad na clinical trials.
Ang full results ng trial na nilahukan ng halos 44,000 katap, ay inilathala sa New England Journal of Medicine, na isa ring major milestone.
Ito ang nagkumpirma na ang vaccine ay 95 percent effective nang walang serious safety issues, isang resulta na inilarawan sa kasama nitong editoryal na isang “tagumpay.”
Sinabi ni Pfizer scientist Kathrin Jansen sa panel na ito ay bunga ng innovative messenger RNA technology, isang approach na hindi pa naaprubahan noon.
Samantala, noong Miyerkoles ay inulat ng Britanya na dalawang health care workers ang nagkaroon ng significant allergic reactions sa bakuna, nang ilunsad ang massive drive ng bakuna sa bansa.
Dahil dito sinabi ni Marion Gruber, Director ng Office of Vaccines Research and Review (OVRR) sa Center for Biologics Evaluation and Research (CBER) ng FDA, na nila ang isang warning label sa vaccine kapag ito ay naaprubahan na.
© Agence France-Presse