US Government, nagkaloob ng 9.7 milyong piso na tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly


Halos 10 milyong piso ang ipagkakaloob na tulong ng US Government sa pamamagitan ng USAID sa Pilipinas para sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Ayon sa US Embassy, kabuuang 9.7 million pesos o katumbas ng 200,000 US dollars ang suportang ibibigay ng Estados Unidos para sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo.

Sinabi ng Embahada na makikipagtulungan ang USAID sa mga local partners nito para mapagkalooban ng pagkain, emergency shelter, at cash assistance ang 22,500 katao sa Albay at Catanduanes.

Bahagi ng nagpapatuloy na disaster preparedness assistance ng USAID, nagdala ang United Nations World Food Programme ng 35 truckloads ng mga pagkain food at iba pang emergency relief sa mga apektadong pamilya sa pakikipagtulungan sa DSWD.

Tiniyak ni US Embassy Chargé d’Affaires John Law na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas sa mga para matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad na pinaka-naapektuhan ng Super Typhoon.

Moira Encina

Please follow and like us: