US gov’t magbibigay ng P450M na pondo sa Pilipinas para sa disaster preparedness and response
Makatatanggap ang Pilipinas mula sa U.S. Agency for International Development (USAID) ng mahigit Php450 million ($8 million) na pondo para mapalakas ang disaster preparedness and response ng vulnerable communities sa Pilipinas.
Ayon sa U.S. Embassy, ang pondo ay ilalaan para sa mga kahandaan sa bagyo at pagbuo ng resilient livelihood strategies sa mga rehiyon ng Bicol, CARAGA, at Eastern Visayas.
Gagamitin din ang additional funding para sa partnerships sa pribadong sektor.
Sinabi ng embahada na ang assistance mula sa USAID ay ilalaan din para sa pagsasanay ng mga tauhan mula sa Office of Civil Defense, Department of Information and Communications Technology, Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya.
Makikipagtulungan din ang USAID sa local government units sa Eastern Samar at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa pag-set up ng referral systems para sa kapakanan at proteksyon ng mga bata tuwing kalamidad.
Moira Encina