US gov’t nagkaloob ng Php10 million relief assistance sa mga typhoon victims
Umaabot sa Php10 milyong ang inisyal na tulong na ipinagkaloob ng US government para sa mga sinalanta ng bagyo.
Ayon sa US Embassy, nakipag-partner ang USAID sa Action Against Hunger para makapagbigay ng pagkain, tubig, hygiene supplies, at iba pang relief items sa mga taong naapektuhan ng bagyo sa Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Ang paunang USAID assistance ay makatutulong para maibalik ang suplay ng tubig at sanitation facilities, at mai-promote ang hygiene practices.
Sinabi ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava na committed ang Estados Unidos na makipagtulungan sa Pilipinas para sa pagbibigay ng emergency supplies at recovery assistance.
Una na ring nakipagtulungan ang USAID sa International Organization for Migration sa pangangasiwa sa evacuation shelters at pagbibigay ng critical relief supplies at heavy-duty plastic sheeting para sa 3,800 pamilya.