US, ipinagpatuloy ang air drops ng ayuda sa northern Gaza
Isang American cargo plane ang naghulog ng mahigit sa sampung metriko tonelada ng rasyon sa northern Gaza, ayon sa US military, makaraang matigil dahil sa mga operasyon ng Israel sa lugar.
Lubhang nangangailangan ang populasyon ng Gaza ng humanitarian assistance makaraan ang walong buwan nang giyera, at dahil inaantala ng Israel ang pagpasok ng ayuda by land, kaya idinaan na lamang ng Estados Unidos ang pagdadala ng tulong by air o by sea.
Sinabi ng US Central Command (CENTCOM), “The air drop provided ‘life-saving humanitarian assistance in northern Gaza.’ To date the US has airdropped more than 1,050 metric tons of humanitarian assistance, in addition to aid delivered via a temporary pier attached to the Gaza coast.”
Dagdag pa ng CENTCOM, “These airdrops are part of a sustained effort, and we continue to plan follow-on aerial deliveries.”
Sinabi ng Pentagon noong huling bahagi ng Mayo na ang mga kadahilanan kabilang ang mga operasyon ng Israel at mga kondisyon ng panahon ay nakaapekto sa aid drops, habang sinabi naman ni deputy CENTCOM commander Vice Admiral Brad Cooper noong nakaraang Biyernes, “aid drops had been suspended due to the kinetic operations happening in the north, but were expected to resume soon.”
Ang pinakabagong air drop ay nangyari isang araw makaraang muling magsimula ang aid deliveries sa pier, na lubhang napinsala ng masamang panahon noong nakaraang buwan at kinailangang kumpunihin sa isang kalapit na pantalan bago muling ikabit sa baybayin.