US, kinondena ang “provocative actions” ng China vs. mga barko ng PH sa Ayungin Shoal
Kinondena ng Estados Unidos ang anila’y “provocative actions” ng Tsina laban sa mga barko ng Pilipinas habang nagdadala ng mga suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa pahayag na inilabas ni U.S State Department Spokesperson Matthew Miller, sinabi nito na nakikiisa ang Amerika sa kaalyadong bansa na Pilipinas.
Ayon kay Miller, ang mga aksiyon ng Tsina ay nagpapakita ng pagbalewala nito sa kaligtasan at kabuhayan ng mga Pilipino at sa International Law.
Naglagay aniya sa panganib sa buhay ng mga Pinoy crew ang pagbomba ng water cannon at pagbangga sa civilian at Philippine Coast Guard vessels.
Iginiit ng US na ang anumang armadong pag-atake sa public vessels kasama sa PCG sa South China Sea ay mag-uudyok sa Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng US at Pilipinas.
Moira Encina