US Marine Corps Commandant bumisita sa bansa
Dalawang araw na bumisita sa bansa si US Marine Corps Commandant David Berger.
Ito ang unang pagbisita sa Pilipinas ng isang US Marine Corps Commandant buhat noong Agosto 2017.
Ayon sa US Embassy, nakipagkita at nakipagusap si Berger sa mga matataas na opisyal ng militar at liderato ng embahada sa pagbiyahe nito sa Pilipinas.
Kabilang sa mga nakaharap ni Berger sina AFP Vice Chief of Staff of Lt. Gen. Erickson Gloria, Philippine Navy flag-officer-in-command Rear Adm. Adeluis Bordado, at Philippine Marine Corps Commandant Maj. Gen. Ariel Caculitan.
Tinalakay ng US military official ang importansya ng alyansa ng Pilipinas at Amerika para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon habang pinagbubuti ang interoperability sa pagresponde sa krisis at contingencies.
Binanggit din ng opisyal ang future bilateral military exercises sa pagitan ng US at Pilipinas na Kamandag at Balikatan, at ang kahalagahan ng realistic trainings sa pagitan ng Marine Corps ng Amerika at Pilipinas.
Moira Encina