US Military at PCG nagsagawa ng Tactical Combat Casualty Care training sa Palawan
Aabot sa 21 tauhan ng Philippine Coast Guard District Palawan ang sumailalim sa Tactical Combat Casualty Care Training ng US Civilian Military Support Element – Philippines.
Ayon sa US Embassy, ang pagsasanay ay bahagi ng Surface Support Force Boarding Officer Course ng PCG.
Bukod sa mga tauhan ng Coast Guard, sumailalim din sa pagsasanay ang mga crew ng PCG vessels sa Palawan.
Layon ng training na mapalakas ang medical capabilities ng mga lumahok sa panahon ng emergency situations na posibleng masagupa sa pagganap ng kanilang trabaho sa karagatan.
Inihayag ng embahada ng US na sinanay ang mga lumahok sa pagresponde sa mga injuries sa pamamagitan ng simulation ng emergency scenarios sa maritime law enforcement, maritime security, at maritime search and rescue operations.
Moira Encina