US military at PCG nagsagawa ng tactical combat casualty training

Umaabot sa 20 tauhan ng Philippine Coast Guard North Eastern Luzon District (PCGNELZ) ang sumailalim sa ilang araw na Tactical Combat Casualty Care Training na pinangasiwaan ng US Civilian Military Support Element-Philippines.

Ayon sa US Embassy, napalakas ng pagsasanay ang medical capabilities ng mga lumahok na PCG personnel na nasa maritime at land-based operations.

Courtesy: US Embassy

Ang training course ay binubuo ng Basic Life Saving at Tactical Combat Casualty Care academic at practical sections.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagsanay ang mga tauhan ng PCGNELZ nang direkta sa US military.


Courtesy: US Embassy

Idinisenyo ang training upang mapaigting ang kakayanan ng PCG personnel sa pagresponde sa maritime security operations, at search and rescue operations.   
 
Umaasa ang PCG na hindi ito ang magiging huling pagkakataon dahil ang nasabing medical training ay malaki ang benepisyo sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Moira Encina

Please follow and like us: