US military nag-donate ng medical at dental supplies sa indigeneous communities sa Palawan
Aabot sa mahigit Php700,000 na halaga ng medical at dental supplies ang ipinagkaloob ng
U.S. Civil Military Support Element-Philippines (CMSE-PHL) sa indigeneous communities sa Palawan.
Ayon sa US Embassy, ang mga donasyon ay pandagdag sa outreach programs na isinasagawa ng provincial at municipal government sa mga rural barangays.
Partikular na nakinabang sa medical at dental care ay ang lagpas sa 800 residente ng mga munisipalidad ng Rizal at Quezon sa Palawan.
Tumulong din ang US military sa pagbiyahe ng mga doktor at dentista mula sa Puerto Princesa upang magbigay ng medical consultation at dental education workshops.
Nag-donate din ang US military ng apat na medical tents sa DOH sa Puerto Princesa para sa nagpapatuloy na vaccination efforts sa lalawigan.
Moira Encina