US military nagbigay ng ICU beds at COVID-19 vaccine storage units sa AFP
Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga donasyong ICU beds at COVID-19 vaccine storage units mula sa militar ng US.
Ayon sa US Embassy, nagkakahalaga ng mahigit Php 2 million ang natanggap na medical equipment ng AFP.
Ang mga medical supplies ay para suportahan ang AFP Health Service Command.
Isinagawa ang turnover ng mga donasyon sa AFP General Headquarters.
Dinaluhan ito ni US Embassy Acting Deputy Chief of Mission David Gamble at AFP Chief of Staff Gen. Jose Faustino Jr.
Sinabi ng US Embassy na ang nasabing donasyon ay bahagi ng mas malaking assistance ng US government na nagkakaloob ng ICU beds, essential protective equipment, at vaccine cold storage units para sa rapid distribution sa mga lugar na high-risk sa COVID.
Nagpasalamat si Faustino sa US sa mga donasyon na magpapalakas sa kapasidad ng AFP sa pagkakaloob ng healthcare services sa mga military personnel at kanilang dependents.
Moira Encina