US military nagbigay ng libreng medical at dental care sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Palawan
Lagpas sa 500 katao na naapektuhan ng bagyong Odette sa Palawan ang nakatanggap ng libreng dental at medikal na serbisyo at suplay mula sa U.S. Civil-Military Support Element-Philippines (CMSE-PHL).
Partikular sa nabigyan ng medical at dental care ang mga residente ng Barangay Port Barton sa San Vicente, Palawan.
Umaabot sa mahigit 1,000 kilo medical at dental supplies na nagkakahalaga ng Php700,000 ($14,000) ang ipinagkaloob ng US military.
Ang donasyon ay bahagi ng suporta ng US sa nagpapatuloy na assistance ng Palawan sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo.
Nagsagawa rin ng libreng on-site consultations at treatments sa mga residente sa Barangay Port Barton at nagturok ng bakuna kontra COVID-19 ang US military.
Tinatayang Php303 million ($5.8 million) ang tinamong pinsala sa mga ari- arian sa Port Barton dahil sa bagyo.
Moira Encina