US military nagdonasyon ng COVID-19 medical supplies sa Palawan
Tumanggap ang provincial government ng Palawan ng mga medical supplies para sa COVID-19 response nito mula sa US military.
Ayon sa US Embassy, nagbigay ang US Indo-Pacific Command ng ICU beds at COVID vaccines cold storage units na nagkakahalaga ng Php758,750.
Nakatuwang ng US military sa paghatid ng mga kagamitan ang Philippine Coast Guard.
Isinakay ng PCG ang mga equipment sa BRP Gabriela Silang mula Maynila hanggang Puerto Princesa, Palawan.
Ang mga medical supplies ay bahagi ng mas malaking donasyon sa DOH para suportahan ang mga health facilities sa high-risk areas ng COVID sa bansa.
Hiniling ng Palawan provincial government ang donasyon bunsod ng surge ng kaso ng COVID sa lugar.
Sa kasalukuyan, nasa nasa Php1.9 bilyon ($39 milyon) ang naipagkaloob na tulong ng US sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.
Moira Encina