US nag-deliver sa bansa ng Php183 million na halaga ng military weapons at equipment
Dumating na sa bansa ang Php183 million na halaga ng mga sandata at kagamitan para malabanan ng militar ang terorismo at mapalakas ang maritime security.
Ayon sa US Embassy, ang Joint United States Military Assistance Group – Philippines (JUSMAG-P) ang nag-deliver ng mga military weapons at equipment sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Clark Air Base.
Kabilang sa mga natanggap na sandata ay siyam na M3P .50 caliber heavy machine guns, 10 mortar tubes at iba pang military equipment.
Ang mga ito ay pinondohan ng parehong national funds ng Pilipinas at grant assistance mula sa Estados Unidos.
Tiniyak ng JUSMAG- Philippines na patuloy nilang susuportahan ang pagpapalakas sa kapasidad ng AFP sa pamamagitan ng joint training at key military equipment transfers.
Moira Encina