US nag-donate ng halos 4M na COVID vaccines sa Pilipinas
Aabot sa halos 4 na milyong bakuna kontra COVID-19 ang ibinigay ng US sa Pilipinas sa loob lang ng isang araw.
Ito na ang pinakamalaking single-day shipment ng Pfizer COVID vaccines ng Amerika sa bansa.
Ayon sa US Embassy, ito ay makasaysayang shipment at patunay ng committment ng Estados Unidos na makipagtulungan sa Pilipinas para labanan ang COVID.
Ang nasabing milestone vaccine shipment ay kaalinsabay ng unang anibersaryo ng unang COVAX delivery ng COVID vaccines sa Pilipinas.
Sa kabuuan ay mahigit 33.3 million na donasyong anti-COVID vaccines ang natanggap ng Pilipinas mula sa Estados Unidos
Ang mga bakuna ay bahagi ng 1.2 billion COVID-19 vaccines na donasyon ng US sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.
Moira Encina