US nag-donate ng videoconferencing equipment sa Korte Suprema
Natanggap na ng Korte Suprema ang donasyong videoconferencing equipment ng gobyerno ng US.
Ang US Embassy ang nag-turnover ng kagamitan sa mga mahistrado ng Supreme Court.
Kasabay nito, nag-courtesy call sa mga SC justices ang mga opisyal ng Embahada ng US sa pangunguna ni U.S. Embassy Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava.
Pinasalamatan naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pamahalaan ng US sa ibinigay na videoconferencing equipment.
Ibinahagi ni Gesmundo sa US diplomats kung papaano naitaguyod at nakapaggawad ng hustisya sa panahon ng pandemya ang mga hukuman sa bansa sa pamamagitan ng videocon hearings.
Makakaagapay aniya ang donasyon ng US para lalong makapagbigay ng katarungan sa mamamayan ang hudikatura sa tulong ng teknolohiya.
Moira Encina