US nagbigay ng dagdag na $1M tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette
Umaabot na sa mahigit $21 million na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng US sa mga residente at lugar na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ito ay matapos magdagdag ang Estados Unidos sa pamamagitan US Agency for International Development (USAID) ng $1 million na pondo para sa humanitarian assistance.
Ayon sa USAID, ang karagdagang pondo ay makatutulong para sa pagpapalakas sa logistics efforts sa mga sinalantang lugar.
Partikular itong gagamitin sa para sa paghahatid ng UN World Food Program sa mga apektadong residente ng mga food packs at relief items mula sa pamahalaan.
Bagamat naibalik na ang suplay ng kuryente ay marami pa ring mga tulay at kalsada sa pinakaapektadong lugar ang hindi pa rin madaanan.
Sa pinakahuling datos ng USAID, halos 300 trucks ang ipinagkaloob ng WFP para sa transportasyon ng 3,900 metric tons household food rations at emergency relief supplies gaya ng hygiene kits, kitchen sets, at shelter kits sa typhoon victims.
Moira Encina