US nagkaloob ng dagdag na Php5.7-M halaga ng PPEs sa mga pagamutan sa NCR at ilang probinsya sa bansa
Nagbigay ang US military ng karagdagang personal protective equipment o PPEs na nagkakahalaga ng halos Php5.7-M sa ibat-ibang pagamutan sa Luzon at Mindanao.
Ito ay bahagi ng tulong ng Estados Unidos sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa US Embassy, ipamamahagi ang mga donasyon sa mga klinika, ospital, rural health units, at municipal health offices sa Metro Manila, Cagayan, Palawan, Zambales, Sarangani, at Zamboanga City.
Kabilang sa mga PPEs at medical supplies na ipinagkaloob ng US ay disposable gloves, goggles, face shields, disinfectant spray, at iba pang kagamitan para maproteksyunan ang frontline health workers.
Sinabi ng US Embassy na umaabot na sa halos Php1.3-B ang halaga ng donasyon at suporta nito sa Pilipinas para sa COVID-19 response nito.
Moira Encina