US nagkaloob ng P24-M halaga ng suporta para sa vaccination campaign ng Pilipinas
Nagkaloob ang US Government sa pamamagitan ng USAID ng mahigit Php24-M na suporta sa vaccination campaign ng Pilipinas laban sa tigdas, rubella, at polio.
Ayon sa US Embassy, kabilang sa nasabing tulong ay technical expertise, logistics support, at community engagement sa immunization campaign.
Nakipag-partner ang USAID sa gobyerno ng Pilipinas sa paglulunsad ng Phase 2 ng Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity na idinaos sa General Trias City Medicare Hospital sa Cavite.
Ang ikalawang bahagi ng dagdag na bakuna kontra sa tigdas, rubella, at polio ay ang follow-up sa Phase 1 ng kampanya noong nakaraang taon.
Kasama sa Phase 2 ang buong Visayas, Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON.
Target mabakunahan ng DOH sa kampanya ang 4.8M bata na may edad limang taong gulang pababa laban sa polio, at 5.1M bata sa pagitan ng 9 hanggang 59 months old laban sa tigdas at rubella.
Moira Encina