US, nagkaloob ng P84-M halaga ng relief assistance sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine
Aabot sa P84 milyong halaga ng suporta ang ipinagkaloob ng gobyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas para sa pagresponde at pagtulong sa mga hinagupit ng bagyong Kristine.
Ayon sa US Embassy, ang pondo ay para sa nagpapatuloy na assistance ng
U.S. Agency for International Development (USAID) sa mga lubhang naapektuhan sa Bicol at Batangas.
Partikular na popondohan nito ang malinis na tubig, emergency shelter at cash assistance na ibibigay ng USAID.
Magkakaloob din ng logistical support ang USAID sa evacuation centers.
Umagapay din ang USAID sa Office of Civil Defense (OCD) ng bansa sa paghatid ng
1,500 shelter-grade tarpaulins at 1,500 household relief kits sa Bicol region.
Moira Encina-Cruz