US nagpadala ng una sa tatlong military aid planes para sa Gaza
Nagpadala ang Estados Unidos ng una sa tatlong military planes sa Egypt upang maghatid ng mahahalagang humanitarian aid sa Gaza.
Ang relief flights na may kargang mga pagkain, medical supplies at winter gear ay ang una sa ipinadala ng US military simula nang mag-umpisa ang labanan sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ang flights ay nagsimula isang araw matapos sabihin ni President Joe Biden, na gagamitin niya ang extension sa truce upang makapagdala ng dagdag na tulong sa Gaza, habang nagpapatuloy ang pagsisikap ng mga bansa sa buong mundo na mapahaba pa ang truce.
Sinabi ni Jake Sullivan, national security advisor ni Biden, “The humanitarian needs in Gaza demand that the international community do much more. The United States is committed to this effort.”
Aniya, “Biden would work to ‘rally the international community to urgently increase support’ to a UN appeal for Gaza.
Ayon sa US Agency for International Development, ang unang Air Force C-17 aircraft ay dumating sa Egypt lulan ang 24.5 metriko tonelada (54,000 libra) ng medical supplies at ready-to-eat food.
Sinabi ng isang US officials, na kukunin ng United Nations ang humanitarian aid mula sa North Sinai region ng Egypt, na hangganan ng Hamas-ruled Gaza Strip, patungo sa Palestinian territory.
Ani Sullivan, “These UN supplies will save lives and alleviate the suffering of thousands in Gaza.”
Sinabi naman ng mga opisyal, na dalawa pang eroplano ang darating sa mga susunod na araw.
Noong Lunes ay inanunsiyo ng Qatar na siyang mediator ng truce, ang isang 48-oras na extension ng paunang apat na araw na truce, na nagbukas ng daan para sa dagdag na pagpapalaya sa mga hostage na binihag ng Hamas nang atakihin nila ang Israel noong Oktubre 7.
Walongdaang aid trucks ang dumating sa southern Gaza mula Egypt sa unang apat na araw ng truce, kung saan may ilang tulong na nakarating din sa northern Gaza.
Ayon sa isang senior US official, “The movement over the last four or five days of assistance has been so significant in volume that a backfill… is now needed and these planes are part of that backfill.”
Bagama’t ang Washington ay nagdeploy ng dalawang aircraft carriers sa rehiyon upang hadlangan ang Iran at mga ka-alyado nito, at magdala ng military assistance sa pangunahing kaalyadong Israel, hindi nito dating ginamit ang military assets sa panahon ng labanan upang magdala ng humanitarian aid.
Sinabi naman ni Biden na matatag ang suporta sa Israel ngunit nanawagan na bawasan ang civilian casualties, na ang truce ay nagbigay-daan upang lalong maragdagan ang pumapasok na tulong sa Gaza strip.
Gayunman inihayag ng White na nilinaw ng Israel na itutuloy nito ang giyera sa Hamas sa sandaling matapos na ang truce.
Ayon sa US officials, nagbabala si Biden sa Israel na hindi iyon dapat na magbunga ng katulad na “mass displacements” sa southern Gaza na siyang nangyari nang simulan nito ang opensiba sa northern Gaza sa mga unang bahagi ng Nobyembre.