US nagpakita ng pagiging kaibigan ng Pilipinas

Sa gitna ng patuloy na pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea…ipinakita ng Estados Unidos ang pagiging kaibigan nito sa pilipinas.

Ngayong araw pormal ng itinurn over ng US ang 250 milyong pisong halaga ng gusali sa Philippine Coast Guard.

Bagamat pag-aari ng PCG ang lupa na ito, ang US naman ang gumastos sa pagtatayo ng specialized education at technical building para sa PCG.

“Itong mga facility na ito ang pinaka unang facility namin sa PCG na magbibigay ng leksyon instruction kumpleto merong laboratory sa ating mga sailors. This facility will teach our people navigation, Law Enforcement, maintenance of ships.” Paliwanag ni Coast Guard Vice Admiral Ronnie Gil Gavan.

Dito lahat pati maliit na vessel pati aluminim boat maintenance ng rubber boat lahat ng maritime operation related activity dito natin gagawin may classroom instruction may simulator, may lab for engine room lahat andito except physicial water.” patuloy pa na paliwanag ni Gavan

May mga taga US Coast Guard din aniya na aktibong tutulong sa training ng coast guard personnels.

Ayon kay Vice Admiral Ronnie Gil Gavan, PCG Deputy Commandant for Administration, 6 years in the making ang proyekto na ito.

”Actually this started in 2012 when we work on the expansion of PCG fleet. We saw that time that we might grow 3 folds, and at that time we didn’t have the capacity to train our people.” dugtong pa aniya

Ayon naman kay US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, ang proyekto na ito ay bahagi ng commitment ng US sa Pilipinas bilang isang matatag na kaibigan

“I’ts really important that we have long term committment to the PCG to the people of the philippines because we are truly your steadfast friends partners in prosperity and iron clad allies.” pahayag ni US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson

“This facility will train the assets that preserve maritime safety protect the maritime and marine environment and defend philippine sovereign rights on the water surrounding the philippines including the West Philippine Sea.” saad pa ni Ambassador Carlson.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *