US at North Korea dapat pairalin ang self restraint – Malacañang
Nanawagan ang Malacañang sa Estados Unidos at North Korea na itigil na ang palitan ng pagbabantang Nuclear attack.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, dapat pairalin ng dalawang bansa ang ‘Self-Restraint” upang humupa na ang tensyon sa pagitan nila.
Ginawa ni Abella ang pahayag kasunod ng banta ni US President Donald Trump sa Pyongyang sa posibleng sapitin dahil sa missile programs ng nasabing bansa.
Bilang sagot naman, nagbanta rin ang North Korea na tatargetin ang Guam na isang US Territory sa Western Pacific.
Gayunman, sinabi ni Abella na minomonitor na ng Philippine missions sa South Korea at Guam ang sitwasyon doon upang matiyak ang kahandaan sa anumang pangyayari.