US Open champ Raducanu, natalo sa opening match sa Indian Wells
Tinalo ni Aliaksandra Sasnovich, ang US Open champion na si Emma Raducanu sa score na 6-2, 6-4 sa opening match ng 2nd round ng WTA Indian Wells tournament.
Noong September 11 ay ginulat ng 18-anyos na British ang mundo ng tennis, nang maging kauna-unahang qualifier na nanalo ng isang Grand Slam title sa Flushing Meadows.
Subalit nitong Biyernes ay tila kinalawang si Raducanu, dahil opening set lamang ang kaniyang nakuha sa paghaharap nila ni Sasnovich na dinomina ang laro hanggang sa mapanalunan na ito.
Ayon kay Raducanu . . . “Going into the match I didn’t put any pressure on myself because in my mind I am so inexperienced. I am 18 years old, I need to cut myself some slack. You could tell she was more experienced than me and she went out there and executed her game plan better than I did.”
Napanalunan ng unseeded na si Sasnovich ang tatlong straight points para makuha ang 40-0 sa final game.
Nakagawa rin ng isang ace ang Belarusian player at napanalunan ang 67 percent ng kaniyang first-serve points, kung saan sinamantala niya ang soft second serve ni Raducanu.
Dahil sa kaniyang panalo, uusad na si Sasnovich sa third round kung saan makakaharap naman niya ang 11th seeded na si Simona Halep.
Samantala, tinalo naman ng young Canadian na si Leylah Fernandez, na surprise runner-up sa US Open, si Alize Cornet ng France sa score na 6-2, 6-8.
Ang WTA ranked 28th na si Fernandez ang susunod na makakalaban ng Russian na si Anastasia Pavlyuchenkova, na ranked 13th.
Sa kabilang dako, wagi si Andy Murray laban kay Adrian Mannarino sa score na 6-3, 6-2.
Sunod na makakaharap ng 34-anyos na Scottish ang 18-anyos na si Carlos Alcaraz ng Spain, na nagningning din sa nakaraang US Open.