US-PH Congressional Friendship Caucus, inilunsad
Pinasinayaan ng US Embassy sa Maynila at ilang Pilipinong mambabatas ang inaugural meeting ng US- Philippines Congressional Friendship Caucus.
Ayon sa US Embassy, ang friendship caucus ay cross-party group ng mga Pilipinong senador at kongresista na nais palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Bukas ang membership ng friendship caucus sa sinumang senador o kongresista na interesadong sumali.
Itinatag ito ngayong taon bilang pagkilala sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng US at Pilipinas.
Sinabi ng embahada na mag-i-sponsor ang caucus ng mga programa sa pakikipag-tulungan sa US Embassy para mas lumalim ang relasyon sa pagitan ng lehislatura ng Pilipinas at pamahalaan ng Estados Unidos.
Ilan sa mga dumalo sa hybrid virtual at in-person meeting sina House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez at House Deputy Speaker at Surigao del Sur First District Rep. Prospero Pichay Jr.
Moira Encina