US, Pilipinas kailangang mag-usap para sa paggamit ng EDCA sites – DFA Chief

Kailangang pag-usapan sa pagitan ng Maynila at Washington kung ano ang
planong paggamitan ng Estados Unidos sa access na ibinigay ng Pilipinas sa mga
base nito sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa harap ito ng paniniwala ng mga eksperto na nakikita ng Estados Unidos ang
Pilipinas bilang potential location sa kanilang mga rockets, missile at artillery
systems para harangin ang anumang amphibious invasion ng China sa Taiwan,
na inaangkin nitong bahagi ng kanilang teritoryo.

Sa isang forum sa Center for Strategic and International Studies sa Washington
sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na kailangang pag-usapan
ang terms of reference at uri ng aktibidad na dapat pagkasunduan ng dalawang
bansa.

Natukoy na aniya ng Pilipinas ang mga lugar, anuman ang magiging kasunduan
ay dedepende sa gagawing dayalogo.

Sa ngayon ay wala pang tiyak na paggagamitan ang Pentagon sa mga
karagdagang EDCA sites, maliban sa gagawing airport expansion at training na
kapapalooban ng naval assets.

Nasa Washington si Manalo kasama si Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez,
Jr. para sa 2+2 Ministerial Meeting kasama sina US Secretary of State Antony
Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin.

Layon ng pagpupulong na higit na palakasin ang bilateral relations ng dalawang
bansa.

Sinabi ni Manalo na ang 2+2 meeting sa pagitan ng magka-alyadong bansa ay
nagpapakita sa ‘positive trajectory’ ng bilateral relations ng Pilipinas at Amerika,
na nangyayari ngayon sa lahat ng antas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *