US President Donald Trump, sisimulan na ang kaniyang biyahe sa South East Asia sa Biyernes.
Magsisimula na sa Biyernes ang biyahe ni US President Donald Trump, para sa gagawin niyang pagbisita at pakikipagpulong sa mga bansa sa South East Asia.
Una munang pupuntahan ni US President Trump ang Hawaii, kung saan nakabase ang Pacific Command headquarters. i-bibriefing ni Trump, ang mga sundalong amerikano na nakabase sa naturang lugar ukol sa sitwasyon sa Korean Peninsula.
May schedule din si Trump para pakikipagpulong nito kay Pangulong Duterte sa November 12 at 13.
Dadalo rin ang pangulo ng Amerika sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC sa Vietnam.
Nakatakda ding magtungo sa Japan, South Korea, at China si Trump para buksan ang isyu tungkol sa lumalalang tensyon sa Korean Peninsula.
Ito ay dahil na rin sa banta sa seguridad ng ginagawang nuclearazation at madalas na pagpapalipad ng missiles ng North Korea.
Inaasahan namang mas lalo pang paiigtingin ni President Trump ang kaniyang pakikipag-uganayan sa mga bansa sa Asia Pacific Region para mapanatili ang katatagan ng seguridad, at kapayapaan sa pagitan ng mga kaalyadong bansa ng Amerika.