US President Donald Trump tiniyak na haharapin si Special Counsel Robert Mueller laugnay sa imbestigasyon ng Trump campaign noong 2016 US presidential elections
Haharap under oath si U-S President Donald Trump kay Special Counsel Robert Mueller kaugnay ng bumibilis na imbestigasyon kung ang Russia ay may ugnayan sa trump campaign noong 2016 U-S presidential elections.
Tiniyak ni Trump sa media na haharapin nya ang mga imbestigador sa lalong madaling panahon – batay pa rin sa payo ng kanyang legal team.
idinagdag pa ni Trump na walang collusion sa Russia at wala ding obstruction of justice na naganap kaya confident ang pangulo na harapin si Mueller.
Bagamat nakahanda si Trump ay may mga lumalabas paring usapan na maaaring hindi pumayag ang legal team ni trump na humarap under oath kay Mueller.
Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang magpahayag ng reserbasyon si trump kung saan ay sinabi nyang bahala na o tingnan na lang kung anong magiging developments sa Russia probe.
Bukod sa Russia issue ay nais din malaman ni Mueller ang katotohanan ukol sa pagpapatalsik sa dating National Security Adviser ni Trump na si Michael Flynn at ng dating F-B- I Director na si James Comey pati na rin ang umanoy planong pagpapaalis ni trump kay Atty General Jeff Sessions na isa sa posibleng key witnesses sa mga napabalitang pakikipagkita nito sa ilang Russian officials.
Kaugnay pa rin ng imbestigayong ito ng special counsel – isa na namang dating top official sa white house ang nakatakdang kausapin ni mueller sa katapusan ng bwang kasalukuyan — si Steve Bannon – ang dating white house chief strategist .
Si Bannon ang isa sa mg apangunahing galamay ni Trump noon sa white house at posibleng maraming katanungan ang masasagot nito hinggil sa mga nabanggit na imbestigayon.
Ulat ni Ellen Aguilar