US President-elect Joe Biden, hinirang ang kauna-unahang Native American Interior Secretary
WASHINGTON, United States (AFP) – Ipinakilala na ni US President-elect Joe Biden ang kaniyang environment team nitong Huwebes, kung saan pinili niya si congresswoman Deb Haaland bilang kauna-unahang Native American interior secretary at si Jennifer Granholm, isang dating gobernador ng Michigan, bilang energy secretary.
Hinirang din niya si Michael Regan, isang North Carolina environmental regulator na isang Black American, at siyang nangasiwa sa pinakamalawakang coal ash cleanup upang maging administrator ng Environmental Protection Agency (EPA).
Si Haaland ay isang first-term Democratic congresswoman mula sa New Mexico, at miembro ng Laguna Pueblo people. Kapag kinumpirma ng Senado, siya ang magiging kauna-unahang Native American na mangunguna sa isang cabinet-level department.
Ang Interior Department ay isang malawak na ahensya na may mahigit sa 70,000 mga kawani, na siyang nangangalaga sa national resouces ng US, gaya ng national parks, at oil and gas drilling sites, maging ng tribal lands – na tahanan ng 578 federally recognized tribes.
Sa Kongreso ay naging prayoridad ni Haaland ang pagpapaunlad sa serbisyo para sa tribal communities, laluna ang tulong sa panahon ng coronavirus pandemic, na lubhang nakaapekto sa Native American families.
Si Regan naman ay nagsilbi sa EPA sa panahon ng administrasyon ni Bill Clinton at George W. Bush.
Siya ang kauna-unahang Black American na mamumuno sa ahensya, na inatasang tumulong para mangyari ang maambisyosong climate plans ni Biden, na nananawagang suportahan ang clen energy at paglikha ng mas mataas na fuel-efficiency standards para automobiles at trucks.
Ang energy secretary nominee naman na si Granholm, ay malimit na nagpapahayg ng tungkol sa radikal na pangangailangang muling pag-aralan ang energy policy bunsod ng pagbabago sa klima o climate change.
Isang “outspoken champion” sa panahon ng presidential campaign ni Biden, inilatag ni Granholm ang isang national “race to the top,” kung saan ang mga estado ay maaaring magkompetensya para sa clean energy funds.
Ayon kay Navajo Nation President Jonathan Nez, ang nominasyon ni Haaland ay isang “historic and unprecedented day for all Indigenous people.”
Aniya, ang pagkakapili kay Haaland ay may malinaw na mensahe, na si Biden ay committed na itama ang mga mali sa nakaraan at ayusin ang daan para sa tunay na pagbabago at oportunidad para sa tribal nations.
Si Haaland ay madaling nagwagi sa re-election sa Kongreso nitong Nobyembre, at habang ang pwesto ay nasa kamay na ng Democrats mula pa noong 2009, hindi pa malinaw kung isa pang Democrat ang muling makakakuha nito.
Sa ngayon ay napili na ni Biden ang karamihan sa bubuo sa kaniyang gabinete, kabilang na si Antony Blinken para maging secretary of state, at Janet Yellen para pamunuan ang Treasury Department.
Ang pinaka senior post naman na namamalagi pa ring bukas, ay ang pwesto para sa US attorney general.
© Agence France-Presse