US President Joe Biden, nagdeklara ng “disaster” upang mapabilis ang ayuda
Nagdeklara ng isang major disaster o malaking sakuna si US President Joe Biden sa pinakamataong estado ng bansa, na magpapahintulot sa federal government upang mapabilis ang paghahatid ng tulong, kabilang na ang para sa pansamantalang pabahay at pagkukumpuni ng mga kasiraan para sa mga taga-California na tinamaan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Sinabi ng National Weather Service (NWS), “Rain and heavy mountain snow to continue across the West. Periods of moderate to heavy snow will continue into Monday.”
Isa hanggang tatlong talampakan o 30 – 91 sentimetro ng niyebe ang bumagsak nitong nakalipas na weekend, sa bahagi ng Sierra Nevada range ng California.
Iniulat naman ng isang research station na pinatatakbo ng University of California sa Berkeley, na may ilang lugar sa central Sierra ang nakaranas ng higit sa pitong talampakan ng snow sa nakalipas na pitong araw. At ang niyebe ay patuloy na bumabagsak.
Ayon pa sa tweet ng NWS, “Dry weather returns on Tuesday, followed by a weak system Wednesday. Some flooding remains possible, especially given the very wet antecedent conditions.”
Sinabi naman ng poweroutage.us na higit sa 11,000 mga bahay ang wala pa ring suplay ng kuryente hanggang kahapon, Linggo sa California.
Sa pagitan ng paulit-ulit na mga bagyo sa nakalipas na mga linggo, nagkumahog ang mga trabahador na linisin ang mga kalat, pinala ang putik mula sa mga lansangan at gumamit din ng heavy machinery para maalis ang bumagsak na mga puno o hawanin ang mga rockslide.
Hindi “unusual” ang winter storms sa California. Nagunit pinalala ito at ma pinalakas ng global warming.
Pinakamaulan ang nakalipas na tatlong buwan sa San Francisco, kung saan 20 pulgadang ulan ang bumagsak.
Sa kabila nito, ang mga bukirin sa California, na siyang breadbasket ng bansa, ay hindi pa lubusang nakababawi sa ilang taong dinanas na tagtuyot.
© Agence France-Presse