US Secretary of State Antony Blinken, binati si BBM sa pagkahalal nito bilang Pangulo ng Pilipinas
Bagamat hindi pa pormal na naipo-proklama, nagpaabot na ng pagbati si mismong US Secretary of State Antony Blinken kay Bongbong Marcos sa kanyang pagka-panalo bilang presidente ng Pilipinas.
Sa tweet ni Blinken nitong umaga, binati niya ang mga Pilipino sa ginanap na eleksyon.
Tinawag din niyang president-elect si Marcos at binati ito sa kanyang “victory” sa naganap na halalan.
Inihayag ni Blinken na “looking forward” ang US sa pakikipag-tulungan sa Marcos Government para mapalakas ang matagal nang alyansa at ugnayan ng Pilipinas at Amerika.
Una na ring inihayag ni US State Department Spokesperson Ned Price na nasunod ang international standards sa botohan at bilangan ng mga boto sa Pilipinas.
Moira Encina