US tiniyak muli ang commitment sa Mutual Defense Treaty
Handa ang Estados Unidos ng Amerika na tuparin ang nakasaad sa Mutual Defense Treaty sa pagitan nito at ng Pilipinas.
Ito ang muling tiniyak ni US Secretary of State Antony Blinken sa ika-anim na anibersaryo sa ruling ng Arbitral Tribunal sa South China Sea.
Ayon kay Blinken, ang armadong atake sa Sandatahang Lakas ng Pilpinas, mga sasakyang pandagat o pamhimpapawid sa South China Sea ay mag-i-invoke sa commitment ng US sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty.
Sa ruling ay ibinasura ang maritime claims ng Tsina sa South China Sea dahil wala itong basehan sa international law.
Nanawagan muli ang US sa China na tumugon ito sa mga obligasyon sa ilalim ng international law at itigil ang mga “provocative behavior” nito.
Sinabi ni Blinken na patuloy silang makikipagtulungan sa mga kaalyado nito at sa ASEAN para maprotektahan at mapanatili ang rules-based order.
Moira Encina