US West Coast binayo ng mga bagyong bahagi ng ‘Pineapple Express’
Binayo ng unang dalawang mga bagyo na bahagi ng isang “Pineapple Express” weather pattern ang US West Coast, na nagpabaha sa mga kalsada at nagbunsod ng paglalabas ng flood warnings.
Isang atmospheric river ang nagbuhos ng malakas na ulan at yelo sa malawak na bahagi ng rehiyon, na nagdala ng tropical moisture mula sa karagatan malapit sa Hawaii, isang weather phenomenon na ipinangalan sa tropical fruit na tumutubo sa isla.
Ang Northern California ay nalubog noong Miyerkules, at binaha ang mga kalye sa San Francisco pagkatapos ng isang pulgada (2.5 sentimetro) ng ulang bumagsak sa loob ng isang oras.
Pagdating ng Huwebes ng umaga, ay ang Southern California naman ang tinamaan, kasama ang Los Angeles at mga lugar sa paligid nito.
A person walks through flood waters as a powerful long-duration atmospheric river storm, the second in less than a week, impacts California on February 4, 2024 in Santa Barbara, California. The storm is delivering potential for widespread flooding, landslides and power outages while dropping heavy rain and snow across the region. Mario Tama/Getty Images/AFP (Photo by MARIO TAMA / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Sa mga video footage ay makikita ang mga kalya sa siyudad na tuluyang nalubog sa baha, habang isinara naman ang isang milyang haba ng Pacific Coast Highway.
Nakita sa isang lokal na telebisyon ang mga sasakyang nalubog sa isa sa intersection makaraang umapaw ng mga drain sa siyudad.
Ang mga bundok sa Southern California ay inaasahang magkakaroon ng hanggang 18 pulgada ng snow, kung saan inaasahan na ang Sierra Nevada range ay mababalot din ng yelo.
Nagbabala ang forecasters na ang delubyo ay pauna pa lamang, dahil inaasahan ang mas matindi pang sama ng panahon sa mga susunod na araw.
Ayon sa National Weather Service (NWS), “The largest storm of the season would likely begin on Sunday. While the exact timing, rates and amounts are still uncertain, it is very likely that this will be a serious two- to three-day storm system.”
Dagdag pa ng NWS, “Early estimates call for widespread rain amounts of two to four inches for lower elevations and likely twice those amounts in the south facing mountains. That could cause severe problems, including landslides and flooding throughout the area.”
In this aerial photograph, a closed roadway is seen flooded in Sonoma, California on February 4, 2024. The US West Coast was getting drenched on February 1 as the first of two powerful storms moved in, part of a “Pineapple Express” weather pattern that was washing out roads and sparking flood warnings. The National Weather Service said “the largest storm of the season” would likely begin on February 4. (Photo by JOSH EDELSON / AFP)
Noong isang taon ay dumanas din ang US West Coast ng grabeng winter, nang magbuhos ng bilyun-bilyong galon (litro) ng ulan at snow ang isang serye ng atmospheric rivers.
Nagbunga ito ng malawakang pagbaha at pagkaantala ng mga transportasyon, maging ng problema sa power grid.
Subalit pinuno rin nito ang reservoirs na kakaunti na ang tubig, na ang lebel ay bumaba sa ‘record lows’ makaraan ang ilang taon ng tagtuyot.
Bagama’t ang wet weather ay karaniwan na sa panahon ng winter sa California, sinabi ng mga siyentipiko na ang climate change na gawa ng mga tao ang nagpabago sa weather patterns ng Mundo.
Ayon sa mga siyentipiko, “This makes storms wetter, more violent and more unpredictable, while causing dry periods to be hotter and longer.”