USAID at US State Department nagkaloob ng halos $54M na dagdag na humanitarian assistance sa Ukraine
Nagbigay ng karagdagang humanitarian assistance ang U.S. Agency for International Development (USAID) at ang U.S. Department of State sa Ukraine.
Ito ay kasunod ng krisis sa Ukraine bunsod ng military operations doon ng Russia.
Halos $54 million na dagdag na tulong ang ipinagkaloob ng US sa Ukraine.
Ito ay gagamitin para suportahan ang pangangailangan sa health care, malinis na inuming tubig, sanitation, hygiene supplies, at proteksyon sa mga bata.
Gayundin, sa emergency health supplies at emergency food assistance para sa 125,000 katao.
Kasama sa assistance ang high thermal blankets para sa 18,500 displaced at disabled Ukranians.
Una rito ay nagpadala ang USAID ng 17-member Disaster Assistance Response Team (DART) sa Ukraine para pangunahan ang humanitarian response sa krisis doon.
Moira Encina