Usapang Asukal
Pag-usapan natin ngayon mga ka-isyu ng sambayanan ang ukol sa
sinasabing kakulangan ng supaly ng asukal. But, wait! Paano magkakaroon ng
kakulangan gayung marami namang asukal, kaya nga lang ay nakatago o
itinatago.
Ibig sabihin, may artificial shortage. Nangyayari ito dahil sa kutsabahan ng
mga negosyante. Sila ang naglalaro o nagmamanipula ng presyo para itaas ang
presyo ng asukal.
Kung gagamitin talaga ng Bureau of Customs ang kanilang kapangyarihan
lalo na kung pupuntahan ang mga Custom Bonded Warehouse, makikita dito
ang bulto-bulto o sako-sako na asukal.
Kaya, paano magkakaroon ng kakulangan gayung ang suplay ay nandito
naman sa loob ng bansa? Malinaw na manipulated ng mga negosyante.
Economics 101, law of supply and demand, natural tataas ang presyo kapag
kulang sa suplay. Asukal lang ba? May sibuyas pa!
Kailangan talagang kumilos ang pamahalaan at para hindi na rin maulit
‘yung nangyari noong kasagsagan ng pandemya na ang presyo ng isang kilo ng
siling labuyo ay umabot ng isanlibong piso kada kilo.
Alam po ninyo, sa tagal na rin natin sa ating propesyon bilang media
practitioner, 1995 ako nagsimula. Itong problema na kinakaharap natin ngayon
ay nangyari na rin noon. Pero, ang pinag-uusapan noon ay hindi asukal kundi
bigas.
Kung sa nangyayari ngayon ay nagkakaroon ng sinasabing kakulangan ng
asukal, mangyayari din sa bigas at iba pang agricultural products. Kaya nga dapat
talagang kalampagin ni Pangulong Bongbong Marcos, ang mga kinauukulang
ahensya ng gobyerno.
Ang Bureau of Customs ay mag kapangyarihan kung customs bonded
warehouses ang pag-uusapan. May kapangyarihan silang inspeksyunin ang mga
ito. Kapag napatunayan na may paglabag o nagkaroon ng hoarding, karapatan
nila na ang mga ito ay i-raid, i-padlock para ang mga nakatagong produkto ay
makuha ng gobyerno at pakinabangan ng taumbayan. And that is tantamount to
economic sabotage.
Kaya lang, wala pa talagang specific law o batas na ang hoarding ay kasama
sa parurusahan ng economic sabotage.
Sa mababang kapulungan ay may naghain ng panukalang batas na
naglalayon na gawing kasong kriminal ito. Isama sa economic sabotage, ang
hoarding at ang profiteering.
Dapat lang naman di po ba? Kayo mga ka-isyu ano ang masasabi ninyo?