Usec Vergeire, itinalaga ni PBBM na Officer-in-charge ng DOH
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong Marcos Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang Officer-in-charge ng Department of Health.
Ang pagtatalaga kay Vergeire ay inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Bago maitalagang OIC ng DOH, si Vergeire ang tagapagsalita ng DOH at undersecretary for public health services team ng ahensya.
Namuno rin si Vergeire sa National Vaccination Operations Center o NVOC.
Please follow and like us: