Utos ng gobyerno tungkol sa actual hours ng pagtuturo, tinutulan ng grupo ng mga guro

Photo: Teachers' Dignity Coalition (TDC) FB

Tinutulan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang kautusan ng pamahalaan partikular ang Department Order No. 5, na tumutukoy sa bilang ng oras ng pagtuturo.

Sa panayam ng programang Ano Sa Palagay Nyo (ASPN) ng NET25 kay Benjo Basas, national chairman ng TDC, ay sinabi nito na walang nakasaad sa magna carta for teachers, na dapat ay anim na oras silang magtuturo.

Sinabi ni Basas, “Ang sinasabi po sa magna carta, na di maaaring lumampas sa actual teaching na 6 na oras, pero wala namang sinasabi sa magna carta na dapat ay anim na oras eksakto gaya ng sinasabi sa DepEd Order No. 5, wala pong ganun. In fact, in the past po pinapayagan ang mga guro na nagtuturo na less than 6 hours ang average po namin, analysis 4 for 5 hours. Iyon lang po ay nakakapagod ngayon pa kaya sa ginawa ng DepEd kaya worry kami dito.”

Ang pagtutol nila sa kautusan na anim na oras silang magtuturo at dalawang oras ay gugugulin sa ancillary task, ay ipinagbigay-alam na nila sa DepEd sa panahon ng dating kalihim na si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Basas, “A week after naglabas na kami ng saloobin sa social media and we formalize our opposition sa department order. Nagpadala na kami ng sulat kay VP Sara that time na siya ang DepEd secretary at sumagot naman po ng clarification na wala.”

Sinabi pa ni Basas, na nagaganap na ang kanilang kinatatakutan dahil nasasagad na ang kanilang oras sa paaralan.

Aniya, “Yung worries namin ngayong pasukan na ay nagkatotoo. Ano po ang worries namin, baka iyan ay sasagarin yung anim na oras, yung mga teacher ay magtuturo ng anim na oras, at pahinga ay 20 minute break, at yung nangyari sa iba na may kaakibat pang civil service. Yung teacher allow to go home after 6 hours teaching.”

Giit pa ni Basas, nagpahirap sa kanila ang kautusan at maging ang DepEd Order No. 10, dahil naragdagan ang section na hinahawakan ng mga guro.

ASPN

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *