Utos ni PBBM sa NFA na bilhin ang mga locally produced na palay until-unti ng nararamdaman ng mga magsasaka ayon sa Kamara
Nakinabang na ang mga magsasaka sa lalawigan ng Dipolog City at Surigao del Sur sa mataas na presyo ng palay na binili ng National Food Authority o NFA alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa report ng Department of Agriculture sa House Committee on Agriculture and Foods.
Maituturing na malaking tulong sa mga lokal na magsasaka ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Food Authority o NFA na bilhin ang mga aning palay ng mga lokal na magsasaka sa mataas na presyo dahil lalaki ang kanilang kita.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng pagprayoridad ng gobyerno na bilhin ang mga locally produced na palay magbibigay daan ito para mapatatag ang presyo ng bigas sa bansa kahit ito ay tumataas sa world market.
Ayon sa Kamara sa pamamagitan ng direktang pagbili ng NFA sa palay na inaani ng mga lokal na magsasaka bababa ang presyo ng bigas dahil hindi na ito dadaan sa mga tumatayong middleman.
Itinakda ng National Food Authority Council na pinamumunuan mismo ng Pangulo bilang concurrent agriculture secretary ang buying price ng tuyong palay sa halagang 19 pesos hanggang 23 pesos ang kada kilo at 16 pesos hanggang 19 pesos ang kada kilo ng basang palay.
ang NFA ay mayroong nakalaang 15 billion pesos na pondo para ipambili ng aning palay ng mga lokal na magsasaka.
Pahayag ni House Speaker Martin Romualdez;
“Ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas.
This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for us to achieve food security.
Our farmers have been the ones giving us food on our tables so let’s give them the respect that they truly deserve.
That is why our President still sits as Agriculture Secretary in a concurrent capacity.
The President wants to make sure our local prices are stable, regardless of what happens in the world market.
Our priority should be our own. Of course, we prefer our local supply compared to imported rice.
We should import only those what we need. Self-sufficiency should be key.”
Vic Somintac