VACC at VPCI nagsumite sa DOJ ng mga karagdagang dokumento kaugnay sa Dengvaxia case

 

Nagsumite sa DOJ panel of prosecutors ang mga grupong Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine Constitution Incorporated ng mga karagdagang dokumento at ebidensya kaugnay sa mga reklamong kriminal na inihain ng mga ito laban sa mga nasa likod ng implementasyon ng kontrobersyal na anti-dengue immunization program ng gobyerno.

Sa ikalawang clarificatory hearing sa kaso,  isinumite ng VACC at VPCI sa DOJ panel ang pangalan at address ng mga respondents partikular ang mga opisyal at kawani ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma at mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.

Gayundin ang kopya ng certfied true copy ng Transcript of stenographic notes sa isinagawang joint public hearing ng Senado sa Dengvaxia issue at ang kopya ng counter affidavit nina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, at iba pang opisyal.

Isinumite rin ng mga complainant ang certified true copy ng joint venture agreement , procurement, at bidding documents sa pagbili ng Dengvaxia vaccine.

Kabuuang 65 sets ng dokumento at ebidensya ang isinumite ng VACC at VPCI sa DOJ.

Kaugnay nito, nakatakdang ipasubpoena ng DOJ sa Preliminary investigation sa May 15 ang mga respondents kabilang si aquino at dating Health secretary Janette Garin.

Kinasuhan ng criminal negligence and reckless imprudence, technical malversation, causing undue injuries, at mga paglabag sa  Procurement Law ang mga respondents.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *