Vaccination bill hindi na tatalakayin sa BICAM
Hindi na magsasagawa ng Bicameral conference committee ang Kamara at Senado para i reconcile ang magkaibang bersyon ng Vaccination program bill ng gobyerno.
Inadopt na kasi ng Kamara ang bersyon ng Senado sa kanilang sesyon kagabi.
Dahil dito , Sinabi ni Finance committee chairman Sonny Angara na mamadaliin na ng dalawang kapulungan ang pagpapaimprenta ng inaprubahang panukala para maipadala at mapalagdaan na sa Pangulo ang panukala.
Sa naturang panukala nakapaloob ang Indemnification fund ang isa sa hinihintay ng mga Pharmaceutical company para umusad na ang proseso ng pagbili ng bakuna ng gobyerno.
Ag Indemnification fund ang assurance na sasagutin ng gobyerno ang pagpapagamot sa anumang mararaasang side effects ng sinumang magpapabakuna.
Umaasa ang mga Senador na sa pamamagitan ng panukala mapapabilis na ang proseso ng pagbili ng bakuna.
Oras kasing lagdaan ito ng Pangulo at maging batas, maari nang makabili ng bakuna ang Local government unit at mga pribadong sektor sa pamamagitan ng National task force against COVID-19 at Department of health.
Meanne Corvera