Vaccination card ng mga fully vaccinated returning OFW’s na pauwi sa bansa,dapat isailalim sa validation
Kailangan umanong isailalim muna sa validation ng Philippine Overseas Labor Office ang vaccination card ng mga fully vaccinated returning overseas Filipino workers na pauwi sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, batay na rin ito sa resolusyon ng Inter Agency Task Force Against Covid 19 kung saan ang mga OFW na binakunahan sa ibang bansa ay dapat na may dalang official documentation ng kanilang International Certificate of Vaccination na validated ng POLO.
Maaari umanong mag-aplay para sa validation online sa pamamagitan ng ONEHEALTHPASS PORTAL na https://www.onehealthpass.com.oh/e-HDC/.
Salig sa DOLE Department Order, ang mga indibiwal na ikinukunsiderang fully vaccinated ay iyong 2 linggo o higit pa mula ng makatanggap ng 2nd dose ng COVID- 19 vaccine o kung single dose ang bakuna ay dalawang linggo makalipas mula ng matanggap ito.
Ang bakuna na itinurok ay dapat na kabilang sa listahan ng Emergency Use Authorization o Compassionate Special Permit na inisyu ng Philippine Food and Drug Administration o Emergency Use Listing ng World Health Organization.
Madz Moratillo