Vaccination drive sa mga palengke, inilunsad sa Makati City
Pormal nang sinimulan ang bakunahan laban sa COVID-19, na isinagawa sa Comavena Market sa Balimbing St., Comembo, Makati City.
Kabilang sa mga nabakunahan ay mga tindero at tindera ng palengke, at iba pang mga residente sa lungsod.
Sinabi ni Makati City Health Department District Supervisor Leeron Greg Borja, bahagi ito ng inisyatiba ng Department of Health (DOH) na PinasLakas Campaign, at target ng lungsod na ma-maximize ang mga babakunahan.
Ayon pa kay Borja, hindi lang sa palengke maglalagay ng vaccination site kundi maging sa mga paaralan, terminal ng jeep at tricycle.
Sa ngayon ay malaki na ang ibinaba ng mga tinatamaan o nahahawahan ng COVID-19 sa Makati City, na umaabot na lamang sa mahigit isanglibo kumpara noong 2021 na umabot sa 5,000 kada araw ang kaso.
Virnalyn Amado