Vaccination drive sa mga pasahero ng LRT-2, sisimulan sa Pebrero 22

Sisimulan na sa Pebrero 22 ang vaccination drive sa ilang piling istasyon ng LRT-2.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ito ay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Antipolo.

Sinabi ni LRTA administrator Jeremy Regino, na nais nilang maging ready available, accessible at convenient sa mga commuter ang bakuna kontra Covid-19.

Maaari aniyang makapag-avail ng first dose at booster shots ang mga pasahero sa Recto station tuwing Martes at Huwebes, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa mga nais magpabakuna, kailangan lamang ay magparehistro sa https://manilacovid19vaccine.ph/home.php para sa Recto station vaccination at https://antipolobantaycovid.appcase.net/ para naman sa Antipolo.

Nauna nang nagdeploy ang Philippine Red Cross ng mga vaccine bus sa LRT-2 depot noong Pebrero 12 habang nagtalaga naman ng mga healthcare worker sa Recto station noong Pebrero 15 at 17 para sa booster shots.

Matatandaang inanunsyo ni Transportation Secretary Art Tugade na gagamitin bilang mga vaccination site ang mga railway station upang makatulong sa vaccination drive ng gobyerno.

Please follow and like us: