Vaccination kontra COVID-19, sinimulan na sa Region 2
Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Region 2.
Unang itong isinagawa sa CVMC makaraang dumating ang 10,640 vials ng Sinovac vaccine sa rehiyon, na binubuo ng 18 boxes. Ito ay inilagak sa DOH-Region 2.
Nagmula ang mga bakuna sa Sinovac Biotech sa China, lulan ng isang commercial plane.
Ang mga vaccine ay ilalaan sa mga lalawigan gaya ng Isabela na mayroong 1,112 health workers sa SIMC na eligible sa vaccine.
Ayon kay operation center chairperson Dr. Arlene Lazara, ang SIMC sa Santiago city sa Isabela ay isang COVID-19 referral hospital na designated ng DOH, at kasama sa priority list. Sila ay tumanggap na ng 1,045 alloted vaccine.
Ang pagtanggap sa mga bakuna ay pinangunahan ni Santiago city Mayor Joseph Tan at SIMC assistant center chief, Dr. Emmanuel Salamangca.
Tinanggap na rin ng Region 2 Trauma Medical Center (R2TMC), ang 435 vials ng vaccines para sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang anim pang mga ospital sa Region 2 ay makatatanggap naman ng bakuna, na aplikable lamang sa mga edad 18-59 years old, hindi kabilang ang mga senior citizens.
Unang sumalang sa pagbabakuna ang 59-anyos na si Dr. Glenn Mathhew Baggao, medical chief ng cvmc, na qualified sa edad na maaring tumanggap ng vaccine at sinundan ng ilang health workers ng cvmc.
Sinabi ni Director Rio Magpantay, na ang lahat ng health workers sa rehiyon na gustong magpabakuna ay mababakunahan sa loob ng isang linggo.
Ulat ni Cesar Agcanas